Google

Wednesday, March 11, 2009

ito ang desisyon ko (sa ayaw o sa gusto mo)

Maraming beses na akong nagdisisyon, minsan ayos, minsan parang tipong sana hindi nalang ako nagdecide pero nandun na kaya dapat nalang panindigan. May mga desisyon akong nakakapagpasaya sa mga tao at kung minsan nakakasakit sa iba at halos lahat sa paligid ko pero tama bang husgahan nalang ako dahil sa mga mali kong nagawa? Damn! Tao din ako, hindi ako diyos na perpekto. Aminado akong nakakasakit ako ng damdamin ng tao pero hindi nila alam na bago pa man ang lahat ilang mga hampas, latay at sugat sa kaka-isip at puso ko bago magawa ang desisyon na iyon.

Oo, maaring mas magaling sila sa akin at mas maaaring matalino pa sa mga bagay-bagay, pero masasabi kong bulag sila at manhid. Pinag-iisipan ko na ng maigi ang bagay-bagay bago ko iyon nagawa.

Nakasakit ba ako? Oo. May rason bawat ginagawa kong desisyon nasa sayo at sa kanila ang lahat ng karapatan para magtanong kung ano man iyon. Nasa akin din naman ang magiging karma if magkamali ako at nakasakit dahil sa ginagawa ko kaya bakit pa nila ako inuusik? Sabi nga sa bible “sino man sa inyo ang walang kasalanan siya ang pumukol ng unang bato…”(hindi ko lang matandaan ang book at verse niyan). Magalit kayo sa akin kung alam niyo ang rason at hindi ito patas sa palagay para sayo at sa iba. Pero hanggat hindi mo alam ang rason ko at nararamdan ko wala kang karapatan! Ang buhay ko ay bukas na libro para sa lahat pero hindi lahat ng desisyon ko dapat ipaalam sa mga tao. Pasensya nalang, sana maintindihan nila ako tulad sa pag-iintindi ko sa mga ginagawa nila.

Nasasaktan na ako! Sobrang sakit! Wala na ba akong karapatan gumawa ng mga bagay sang-ayon sa aking nararamdaman?! Hindi ako plastic na tao at hindi ako martir. Tanong ko sayo “perpekto ka ba?” ako hindi. Tao kasi ako, pero alam kong ang tunay kong nararamdam at malinaw sa pag-iisip ko ang aking ginagawa. Malawak ang aking pang-initindi, iniisip ko ang mga bagay-bagay at mga tao sa paligid ko bago gumawa ng desisyon, makasakit man o hindi.

Sa katotohan no choice naman talaga dahil kahit saan ako lumingon ay makakasakit pa din ako at wala akong magagawa dun. Ang tangin magagawa ko nalang ay bawasan ang burden na mararamdaman ng mga taong matatamaan.

Ito ako, tanggapin mo ako tulad ng pagtanggap ko sa pagkatao mo.